5 patay sa Palawan dahil sa shear line – PDRRMO

MANILA, Philippines — Lima katao ang iniulat na nasawi sa Palawan dahil sa matinding pag-ulan dulot ng shear line.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kabilang sa mga nasawi ay ang magkapatid na sina Jamsarie Nasad, 9 at Mc Jao Nasad, 6 anyos; Michelle Solis Acayan, 34 matapos tangayin ang kanilang sasakyan ng baha at malakas na ulan.
Sakay umano ang mga biktima ng shuttle van na bumibiyahe mula Bataraza patungong Puerto Princesa City nang huminto ang makina nito habang tumatawid sa bahang kalsada.
Sinabi ni PDRRMO head Jerry Alili na 12 ang sakay ng van, pito sa mga ito ang nakaligtas at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Nakarekober naman ang mga labi ng limang biktima.
- Latest