P4.9 milyong Kush sa abandonang parcel, nasamsam

MANILA, Philippines — Mahigit P4.9 milyon na high grade marijuana o kush mula sa inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ang nasamsan noong Pebrero 6.
Sa ulat ng Ninoy Aquino International Airport Inter-agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kung saan isa ang Philippine National Police Drug Enforcement Group sa mga miyembrong ahensya, alas-12:00 ng hapon nitong Pebrero 6 nang matukoy na ang 6 na parcel na walang nag-claim ay naglalaman pala ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Umabot sa 3,557 gramo ang marijuana na may standard drug price na P4,979,800.00.
Sa ulat ni PNP-DEG Officer-in Charge Rolando Cuya Jr., mula sa CMEC ay idiniretso na ang nasamsam na iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laboratory para sa analysis.
- Latest