^

Police Metro

Bata patay, magulang nawawala

Joy Cantos - Pang-masa

Van inanod ng baha sa Palawan

MANILA, Philippines — Bangkay na nang marekober ng mga otoridad ang 6-anyos na bata na kabilang sa mga sakay ng van na tinangay ng baha sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong gabi ng Linggo sa Inagawan Sub, Puerto Princesa South National Highway, Puerto Prin­cesa, Palawan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation sa mga magulang ng bata na sina Jamal Nasad, drayber, at Evelyn Nasad.

Iniulat na nawala ang mag-anak habang sakay ng van matapos itong anurin ng rumaragasang tubig-baha dahil sa malakas na ulan.

Ang van ay patungo sana sa Puero Princesa mula Rio Tuba, Bataraza at may sakay itong 12 pasahero. Nauna nang nasagip ang ibang mga pasahero.

Matatandaan na iniulat ang hanggang dibdib na baha sa malaking bahagi ng Palawan at Oriental Mindoro dahil sa epekto ng shear line at Northeast Monsoon o Amihan.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with