2 fetus ikinalat ng aborsyonista
MANILA, Philippines — Dalawang fetus ang natagpuan ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City nitong Linggo.
Nabatid na unang natagpuan ng isang basurero ang isang 2 pulgada na fetus na nakasilid sa jewelry box at inabandona sa basurahan sa tambakan ng basura sa Garcia Ave., Brgy. UP Campus, Quezon City nitong Linggo ng alas-10:00 ng umaga.
Bandang alas-8:00 ng gabi naman ng kaparehong araw ng isa na namang 5-inches na fetus ang nakita sa 1st level ng Trinoma Mall, sa men’s restroom na nasa tabi ng fastfood chain na matatagpuan sa Brgy. Pag-asa, Quezon City.
Ayon sa ulat, naglilinis umano ng banyo ang janitor na si alias Dante nang mapansin niya ang kahon na may mantsa ng dugo sa loob ng basurahan at nang buksan natuklasan niya ang fetus na nakasilid sa transparent na plastic bag.
- Latest