Football team ng Ateneo Grade School nag-courtesy call kay Mayor Belmonte
MANILA, Philippines — Nag-courtesy call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Ateneo Grade School football team.
Ang nasabing team ang pambato ng Ateneo Grade School sa Palarong Pambansa Football na kamakailan ay nagwagi sa National Capital Region divisional tournament.
Ang team ang opisyal na kinatawan ng Quezon City sa National Capital Region (NCR) Divisional Meet at naipanalo nito ang lahat ng laban sa city level which na ginanap noong Nov. 23 hanggang 24, 2024 sa Far Eastern University (FEU) Diliman Football Field.
Sa ngayon ay naghahanda na ang team para sa NCR Regional Championship na gaganapin sa susunod na buwan at target na magwagi at maging kinatawan ng NCR sa Palarong Pambansa.
Ayon kay Niall Enciso, Youth Football League (YFL) Season 2024’s Most Valuable Player, excited silang makilala ang alkalde at handa na silang lumaban at magbigay ng karangalan sa Ateneo, kanilang magulang, komunidad, at sa lungsod.
Ang team ay binubuo ng team captain na si Sancho Bautista, Best Defender awardee Ryan Moti, Most Valuable Player at Golden Boot awardee Jacob Navarro, Red Alminar, Miguel Tagarda, Jose Bernal, Zac Diaz, Niall Enciso, Sancho Bautista, Daniel Guerrero, Migo Achas, Matt Diaz, Marcus Cuyugan, Altis Villaseñor, Miggy Pineda, Max Unson, Anton Landicho, at Ram Tuazon. Sina Paul Madrona at Rafael Cruz naman ang kanilang coaches.
- Latest