Vintage bomb sumabog; konsehal, todas
MANILA, Philippines — Halos nagutay ang katawan ng isang 42-anyos na Brgy. Councilor habang sugatan naman ang helper nito makaraang aksidenteng sumabog ang kanilang nahukay na vintage bomb sa Brgy. Almaguer South, Bambang, Nueva Vizcaya nitong Sabado.
Sa report ng Nueva Vizcaya Police, kinilala ang nasawing biktima sa pangalan lamang nitong Johnny, residente ng Brgy. Baan, Aritao ng lalawigan.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni P/Captain Julius Abon, Deputy Chief of Police ng Bambang Municipal Police Station (MPS) ang vintage bomb ay nahukay ni Johnny at ng kaniyang helper sa site ng kanilang proyekto sa Brgy. San Antonio North, Bambang.
Ang vintage bomb ay dinala ng mga ito sa isang bahay sa lugar upang i-dismantle umano. Gayunman, habang tinatangkang i-dismantle ang vintage bomb ay bigla na lamang itong sumabog ng malakas na sumapol sa biktima na kumakalikot sa lumang eksplosib.
Nasapul sa pagsabog ang biktima na dead on the spot sa insidente habang isinugod naman sa pagamutan ang kaniyang helper para malapatan ng lunas.
- Latest