^

Police Metro

Pondo para sa pang-negosyo ng walang trabaho o kita, palawigin pa! - Rep. Tulfo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat palawigin pa ang pondo na ipinamimigay ng pamahalaan sa mga walang hanapbuhay o trabaho sa bansa. Ito ang ipapanukala ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo.

Ayon kay Cong. Tulfo, may ipinamimigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P15,000 na kapital sa bawat pamilya na mula sa mahirap na komunidad, na walang kinikita para magkaroon ng hanapbuhay.” “Pero kailangan muna nilang sumailalim sa training sa pagnenegosyo para hindi naman masayang ang kapital at tunay na makatulong sa kanila”, ani Tulfo na dating kalihim ng DSWD.

Ang tinutukoy ni Tulfo ay ang Sustainable Livelihood Program o SLP ng ahensya para sa mga mahihirap na walang pinagkakakitaan sa isang komunidad. Ang natu­rang programa ay bahagi ng poverty alleviation program ng DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian alinsunod sa kagustuhan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ang target kasi ng SLP ay mga mahihirap na lugar at ‘yung mga pamilya na magtatapos na sa 4Ps (Pantawid Pamil­yang Pilipino Program),” dagdag pa ng kongresman na tumatakbong senador.

“Magsusulong tayo ng batas na hindi lang dapat available sa mga mahihirap na komunidad ang SLP kundi sa lahat ng qualified na walang hanapbuhay, ay dapat mabigyan ng puhunan,”ani ng kinatawan ng ACT-CIS Partylist.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with