Ginang, nahilo, nahulog sa hagdan, patay
MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi nang mahilo at aksidenteng mahulog sa hagdan ng isang gusali sa Quiapo, Maynila kamakalawa.
Matinding pinsala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si Anita Suan, 56, residente ng isang residential building na matatagpuan sa Claro M. Recto Avenue, kanto ng San Sebastian St., Quiapo.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-5:40 ng madaling araw nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima malapit sa hagdan, katabi ang isang garbage bag.
Pababa umano sana ng hagdan ang testigong si Job, 25, na residente rin ng naturang lugar nang makita ang biktima na ang isang paa ay nakasabit pa sa unang baitang ng hagdan at itinawag sa administrator ng gusali upang mai-report sa pulisya.
Sa salaysay naman ng live-in partner ng biktima, na si Enrico, bago siya umalis ng bahay upang pumasok sa trabaho ay nagsabi sa kanya ang biktima na masama ang pakiramdam at nahihilo.
- Latest