5 arestado sa P2.7 bilyyong shabu na nakumpiska ng BOC
MANILA, Philippines — Aabot sa tinatayang P2.7 bilyong halaga ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu” ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila ang isang kargamento galing Pakistan at ipinadala ng kumpanyang Ayan Enterprise/Trading & Logistics at naka-consigne sa Redshinting Consumer Goods Trading.
Ayon sa BOC, nagsagawa ng examination sa shipment na idineklarang naglalaman ng food items at sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang tinatayang halaga ng droga Ang kargamento ay una nang humiling ng alert order ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) para Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, maituturing itong kauna-unahang major drug haul ngayong taon. Ayon naman kay CIIS Director Verne Enciso, natanggap nila ang impormasyon hinggil sa nasabing kargamento mula sa kanilang counterparts kaya ito isinailalim sa 100 percent physical examination.
Limang katao na pinaniniwalaang may koneksyon sa pagpuslit ng nasabing mga ilegal na droga ang isinailalim na sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Section 4 ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ito ay sina Oscar Campo Berba ng Redshinting Consumer Goods Trading, Customs brokers na sina Kevin Lee Manuel Arrio at Richard Perlado Aguantar; Karen Villaflor Sacro at Rey Baysa Gujilde, chairman and president ng Ark Global Movers.
- Latest