Pagtatayo ng ‘child development centers’ sa bawat barangay, ipaprayoridad ni Nograles
MANILA, Philippines — Bilang tugon sa pinakabagong ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), ay nangako si dating Davao City lawmaker Karlo Nograles na magiging pangunahing prayoridad niya ang programa para sa early childhood care and development (ECCD) kung saan sa bawat barangay ng lungsod ay magkakaroon ng Child Development Center (CDC).
Ayon kay Nograles, sa pamamagitan ng CDC, ang nasa 182 barangay ng Davao City ay magkakaroon ng kakayanan na labanan ang malnutrisyon, pagkabansot at kahinaan sa pag-aaral ng mga batang residente ng tinaguriang premier city ng Mindanao.
Sinabi ni Nograles, na personal niyang nasaksihan kung paano nakaapekto ang malnutrisyon at pagkabansot sa kakayanan ng mga bata na makapag-aral kung kaya dapat siguruhin matutukan ito ng pamahalaan lungsod ng Davao.
Pagbibigay-diin ni Nograles, bagama’t mayroong pagbabago sa sektor ng edukasyon ang Davao City, ang EDCOM II report ay dapat magsilbing paalala sa lahat ng lider na tutukan ang early childhood development sa kani-kanilang nasasakupan.
- Latest