Sara Discaya binigyang pagkilala ng Amerika Prestige Awards
MANILA, Philippines — Tumanggap ng pagkilala mula sa Amerika Prestige Awards ang negosyante at philantropist na si Sara Discaya bilang “Empowered Philippine Businesswoman” dahil sa kaniyang hindi matatawarang commitment na makapagbigay ng positive impact sa mundo.
Kabilang si Discaya sa ilang kababaihan sa mundo na kinilala ng Amerika Prestige Awards bilang “Empowered Philippine Businesswoman” for 2025 na ang parangal ay gaganapin sa May 24, 2025 sa Church of Scientology Valley sa Los Angeles, California.
Ayon kay Sam Azurel, presidente at founder of Amerika Prestige Awards, binibigyang-pagkilala nila ang remarkable achievements ng mga kababaihan na kilala sa kani-kanilang larangan.
Si Discaya ay tumatakbong alkalde sa Pasig City sa layong higit na mapagserbisyuhan ang mga mahihirap lalo na ang mga naghihirap na pamilya.
- Latest