Pulis tinodas ng misis na pulis
MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis matapos na barilin ng kanyang misis na isa ring pulis sa Angeles city Pampanga.
Tama sa ulo ang sinasabing ikinamatay ng pulis nitong Lunes ng gabi habang nasa garahe ng kanyang bahay sa Brgy. Cuayan, Angeles City, Pampanga.
Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang misis nitong pulis din ang bumaril sa kanya.
Bago ito sinabi ng ilang kapitbahay na may narinig silang putok ng ng baril at nakitang duguan ang biktima na may ranggo na Police CMSgt.
Napag-alaman din na baril ng pulis na misis ang ginamit sa pagbaril. May ranggo na MSgt ang suspek.
Sinabi naman ni PRO3 Director PBGen. Jean Fajardo, lumilitaw na pagmamay-ari ng pulis na misis ang baril.
May pinagdaraanan umano ang suspek dahil sa kanilang relasyon ng biktima.
Kapansin-pansin din umano ang pag-iiba ng kilos ng suspek bago ang insidente.
Nahaharap sa kasong parricide ang pulis na misis.
- Latest