^

Police Metro

Sekyu, na late pumasok sa trabaho todas sa karelyebo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang security guard nang pagbabarilin ng kanyang karelyebo matapos itong mapikon dahil sa umano’y madalas na pagpasok ng late sa pinagtatrabahuhan nilang warehouse sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jeremy Matugina, 34, bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang kusang-loob namang sumuko sa kanilang mga kasamahang security guard ang suspek na si alyas ‘Al.’

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipolo City Police, bago naganap ang krimen, alas-7:30 ng umaga sa STMI Warehouse, na matatagpuan sa JP Rizal St., Brgy. Dela Paz ng lungsod.

Nauna rito, dapat sana ay tapos na ang duty ng suspek ng alas-7:00 ng umaga ngunit hindi ito nakauwi kaagad dahil alas-7:30 na nang duma­ting ang biktima.

Dahil dito, nagalit ang suspek at sinita ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito na binunot ng suspek ang kanyang issued firearm at tatlong ulit na ipinutok sa biktima na agaran nitong ikinasawi.

Depensa ng suspek na nagkapatung-patong na ang galit niya sa biktima na bukod sa nale-late sa trabaho ay madalas din umanong siyang pagbantaan nito.

“Na-late po eh tapos minsan nag-straight duty na ko tapos hindi na rin niya ako pinasukan noon. Nagsabay-sabay na po ‘yung galit ko tsaka ‘yung sa pagbabanta niya po,” anang suspek, na nakapiit na at mahaharap sa kasong pagpatay sa piskalya.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with