^

Police Metro

Trust ratings nina Marcos at VP Sara, bumaba - survey

Mer Layson - Pang-masa
Trust ratings nina Marcos at VP Sara, bumaba - survey
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte answer questions from the media during the kickoff of Brigada Eskwela 2023 at Victorino Mapa High School in Manila on August 14, 2023.
Photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sa idinaos na survey ng Social Weather Stations (SWS), na inisponsoran ng Stratbase Consultancy, noong Enero 2025 ay bumaba ang trust ratings nina Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Nabatid na mula sa 54% noong Disyembre 2024, bumaba ng apat na puntos ang trust ratings ni Marcos sa 50% na lamang noong Enero, 2025.

Samantala, mula sa 52% noong Disyembre ay lumagapak naman sa 49% ang trust ratings ni VP Sara noong Enero, 2025.

Ayon kay Stratbase Institute president Prof. Dindo Manhit, ang pagbaba ng ratings ng pa­ngulo ay may kinalaman sa implasyon, o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sinabi rin ni Manhit na ang pagbaba naman ng ratings ni VP Sara ay direktang may kinalaman sa hindi pa nasasagot na katanungan hinggil sa paggamit niya ng mil­yun-milyong confidential funds ng kanyang tanggapan.

Nabatid na ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,800 registered voters nationwide mula Enero 17 hanggang 20.

Sa survey, na isinagawa gamit ang weighted area estimates base sa 2023 Project of Precincts data ng Commission on Elections (Comelec), tinanong ang mga res­pondents na bigyan ng grado ang kanilang tiwala sa iba’t ibang persona­lidad sa scale na “very much” hanggang “very little.”

Mayroon itong sampling error margin na ±2.31% para sa national percentages, ±5.66% para sa Metro Manila, ±3.27% para sa Balance Luzon, at ±5.66% para sa Visayas at Mindanao.

FERDINAND MARCOS JR.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with