Electrician nabagsakan ng generator, pisak
MANILA, Philippines — Isang electrician ang nabagsakan ng generator sa construction site kamakalawa ng umaga sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Quezon City General Hospital (QCGH) si Lito Arbolado, 45, residente ng GMA, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente, alas-10:40 ng umaga sa loob ng construction site sa San Miguel Street, Barangay Tandang Sora, Quezon City.
Nabatid na inangat ng biktima ang generator set na may bigat na 1.5 tonelada gamit ang backhoe.
Subalit kumalas ang kadenang nakatali sa generator set at bumagsak sa biktima na agad isinugod sa ospital, subalit binawian din ng buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest