‘Killer’ ng mag-asawang online seller, tukoy na
MANILA, Philippines — Natukoy na ng pulisya ang suspek sa pagbaril at pagkamatay ng mag-asawang online seller sa Mexico, Pampanga noong Oktubre 4.
Sina Arvin at Lerma Lulu, na may online selling business, ay sakay ng kanilang sasakyan nang dumating ang dalawang sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.
Si Arvin ay binaril ng anim na beses habang tatlong beses namang pinagbabaril si Lerma. Maswerteng hindi tinamaan ang kanilang anim na taong gulang na anak at ang binatilyong pinsan ni Lerma na kasama sa kotse.
Patuloy na tinitingnan ng Philippine National Police ang mga posibleng motibo sa mga pagpatay, kabilang ang posibleng mga isyu sa utang o negosyo.
Naniniwala ang pulisya na plano ang pagpatay sa mag-asawa.
Samantala, inihatid na kahapon sa kanilang huling hantungan ang mag-asawang Lulu na kung saan ay naulila nila ang kanilang 6-anyos na anak na nakaligtas sa ambush.
“Nakakadurog po ng puso.At the age of 6? Wala na siyang parents.Hindi lang po pangarap ang nasira. Nawalan siya ng pamilya,” sabi ni Alyssa Lulu, kapatid ni Arvin.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mapanagot ang mga salarin sa pamamaslang.
- Latest