^

Police Metro

VP Sara ‘no show’ sa pagbusisi ng Kamara sa OVP budget

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inisnab kahapon ni Vice President Sara Duterte ang ikalawang pagkakataon para ipaliwanag kung paano nito ginasta ang pondo ng kaniyang tanggapan sa pagbusisi ng Kamara sa P2.037 bilyong panukala nitong badyet sa taong 2025.

Sa halip ay isang liham ang ipinadala ni VP Sara sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Romualdez at sinabing lahat ng tungkol sa kanilang budget proposal para sa susunod na taon ay naipaliwanag na niya sa isinumite niyang dokumento sa Kongreso.

Binatikos naman ng mga mambabatas ang pang-iisnab ni VP Sara sa deliberasyon ng badyet na sinabing isa itong “gross neglect of constitutional duty” dahilan ang paghimay ng Kongreso sa pondo ay upang tiyakin na iiral ang accountabi­lity at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa panig naman ng Young Guns ng Kamara, sinabi ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon (Ako Bicol Partylist) ‘unbecoming of a public official’ at kawalan ng respeto sa kapangyarihan ng Kongreso ang hindi pagdalo ni VP Sara sa pagdinig ng House Committee on Appropriations.

Nagmosyon rin si Bongalon na tapusin na ang pagdinig sa panukalang pondo ng OVP dahilan wala naman si VP Duterte at maging ang mga opisyal ng tanggapan nito kung saan sa ple­naryo na lamang isasalang ito sa deliberas­yon na namemeligrong matap­yasan ng pondo.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with