Mga personalidad na nagtago kay Quiboloy, kakasuhan
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng obstruction of justice o paglabag sa PD 1829 ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang ilang indibidwal bunsod ng pagtatago kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Abalos, nilinlang at nilito ng mga ito ang pamahalaan at kapulisan upang hindi madakip si Quiboloy nang magsimula ang kanilang operasyon sa nasabing compound.
“Ang sinasabi any person who knowingly, willfully obstructs, impedes or frustrates or delays the apprehension of suspects and investigation and prosecution of criminal and of course letter c, harboring, concealing, facilitating the escape of any person who knows or has reasonable grounds to believe or suspect has committed any offense under existing penal laws,” ani Abalos.
Naging saksi ang publiko kung sinu-sinong mga indibiduwal ang nagtangkang lituhin ang operasyon ng pulis.
Sa galing at tiyaga ng mga pulis sa pangunguna ni PRO11 Director PBGen. Nicolas Torre III, nanatili ang mga ito sa lugar kung saan pinagbatayan ang ground penetrating radar at intelligence network.
Samantala, handa si Torre na sagutin ang anumang kasong isasampa laban sa kanila dahil sa ginawa nilang paghahanap kay Quiboloy.
Sinabi ni Torre, na hindi problema sa kanila ang anumang kasong isasampa sa kanila dahil alam nilang ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
- Latest