^

Police Metro

Hindi sumuko si Quiboloy! - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Hindi sumuko si Quiboloy! - Marcos
Apollo Quiboloy (3rd R), Philippine pastor and founder of the Philippines-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church, and co-accused (in orange) are presented to members of the media during a press conference presided by Philippines' Secretary of Interior Benjamin Abalos Jr. (L) inside the national police headquarters in Manila on September 9, 2024
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi umano sumuko sa mga otoridad si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kundi nasukol na dahil malapit na ang mga pulis sa kanya.

Ito ang nilinaw ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview at hindi anya lilitaw si Quiboloy kung hindi hinabol ng kapulisan.

“Ganito ang iniisip ko hindi siya lilitaw kung hindi namin siya pinu-pursue, ang pagkaintindi ko ang pagsurender kapag wanted ka pupunta ka sa police station o prosecutor o official authority, sasabihin na susurender na ako alam ko may court order, may arrest order na ko,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Subalit sa kaso aniya ni Quiboloy ay napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang pulis sa kanya at para sa kanyang ikabubuti ay nagsabi rin na magpapakamatay ang kanyang mga followers para sa kanya.

Iginiit pa ni Marcos na ang nasabing operasyon para madakip si Quiboloy ay ginawa ng Philippine National Police (PNP) augmented ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at civilian arms of government.

Nilinaw din ng pa­ngulo na walang nasaktan at namatay sa ginawang operasyon ng PNP dahil lahat ng pumasok na mga pulis ay walang armas dahil ayaw nilang may masaktan na miyembro ng KOJC.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with