^

Police Metro

Paghimay sa P6.35 trilyong national budget, inumpisahan na ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang presentasyon ng Development Budget Coordina­ting Committee (DBCC) sa Finance committee ng Senado ang pagdinig sa panukalang P6.35-T national budget para sa 2025.

Ang Department of Education (DepEd) ang nanatiling nangunguna sa may pinakamalaking pondo sa lahat ng departamento ng gobyerno na makakatanggap ng P977.6 bilyon.

Sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may panukalang P900 bilyon at Department of Health, P297.6 bilyon.

Samantala, ang Department of Social welfare and Development ay makakatanggap ng P230 bilyon; Department of Agriculture, P211 bilyon at Department of Transportation, P180.9 bilyon.

Nakapagtala ang DOTr sa may pinakamalaking itinaas na budget na halos dumoble mula sa P74 bil­yon ngayong taon.

Sinabi rin ni  Pangandaman na kabilang sa konsiderasyon ng kanilang inaprubahang budget ang kakayahan ng bawat ahensya sa paggastos ng kanilang pondo para sa kanilang mga programa at proyekto.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with