^

Police Metro

Daang libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa pekeng produkto na ibinebenta online

Joy Cantos - Pang-masa
Daang libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa pekeng produkto na ibinebenta online
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 15, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang mga online deliveries ay daan-daang li­bong manggagawang Pinoy ang posibleng mawawalan ng trabaho.

Ito ang ibinunyag ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS party­list Rep. Erwin Tulfo kaya’ maghahain ngayong araw kasama ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ng isang resolusyon para pa-imbestigahan sa Kongreso ang “unfair online sales practices” ng mga offshore appliances na kara­mihan ay galing sa China at direktang ipinapasok sa bansa at ibinebenta sa mas murang halaga.

“Kung hindi ito mapipigilan, maraming manufacturers sa Pilipinas na sumusunod sa tamang alituntunin ng batas natin ang mapipilitang magsara dahil sa pagkalugi. At kapag nangyari ito siguradong daan-daang libong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho,” ani Tulfo

Sinabi ng mambabatas na aabot sa 15 negosyante na karamihan ay manufacturer ng mga appliances na kung saan ay nasa 300,000 manggagawa ang nagtatrabaho sa mga kumpanya.

Dahil apektado na ang kanilang negosyo sa tala­mak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na ibinebenta sa mas murang halaga.

Kinuwestyon din ni Tulfo ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BoC) kung bakit tila hinahayaan lamang na makapasok ang mga naturang produkto na hindi dumaraan sa regulasyon ng pamahalaan.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with