Mangingisda tinodas ng kainuman
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 27-anyos na mangingisda matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang magtalo at magsuntukan sa Purok-6, Brgy.Dalepi, Cawayan, Masbate kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng malalim na saksak sa dibdib at ilang bahagi ng katawan na si “Lito”.Habang arestado ng mga pulis ang suspek na si “Romy”, 34-anyos, kapwa mangingisda at residente ng naturang barangay.
Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-2:00 ng hapon ay nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilan na nauwi sa suntukan.
Gayunman, makaraang magsapakan ay umuwi ang suspek at nang bumalik ay armado na ng patalim at agad pinagsasaksak ang biktima na duguang humandusay at namatay.
- Latest