^

Police Metro

Mas maraming pulis idedeploy sa train stations sa Metro Manila

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mas maraming pulis idedeploy sa train stations sa Metro Manila
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 16, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — “Mas paiigtingin ang seguridad at police visi­bility sa lahat ng mga istasyon ng tren sa Metro Manila”.

Ito ang tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Jose Melencio Nartatez kasunod nang napaulat na higit sa 80 krimen ang naitala sa mga MRT at LRT mula 2023 hanggang 2024.

Ayon kay Nartatez, bineberipika na nila ang mga datos upang mapag-aralan at maaksiyunan.

Kabilang naman sa mga kasong tinututukan ng NCRPO ang mga bomb threat gayundin ang mga insidente ng sexual harrassment at pandurukot sa loob ng mga tren.

Paliwanag ni Nartatez, proactive naman ang mga pulis sa NCRPO na matagal nang pina­igting ang presensya sa mga istasyon ng tren at may mga marshall pang sumasakay para masiguro ang kaligtasan ng mga commuter.

Sinabi nito na mula sa tatlong pulis, ginawa nang lima ang bilang bilang ng pulis kada train station upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Lahat din aniya ng mga ito ay may mga body-worn camera na gagamitin sa inspeksyon at pagpapatrolya.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with