^

Police Metro

Anak tinopak minartilyo ng ama, todas

Tony Sandoval - Pang-masa
Anak tinopak minartilyo ng ama, todas
Kinilala ang nasawing biktima na si Imelda Cataga Baraquiel, na umano’y nakakaranas ng “mental disorder”.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 26-anyos na babae na may sakit sa pag-iisip matapos hatawin ng martilyo ng kanyang sariling ama nang manakit ito sa loob ng kanilang tahanan, kamakalawa ng umaga sa Barangay San Vicente, San Narciso, Quezon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Imelda Cataga Baraquiel, na umano’y nakakaranas ng “mental disorder”.

Agad namang naaresto ng otoridad ang amang suspek na nahaharap sa reklamong “parricide” na si alyas “Salvador”, 53, balo, isang magsasaka at residente ng Sitio Lomboy, Brgy. San Vicente, San Narcisio, Quezon.

Ayon sa salaysay sa pulisya ni Rosie Francisco, pinsan at kapitbahay ng biktima, alas-6:00 ng umaga nitong Martes nang marinig niyang sumisigaw si Imelda at hinihinalang inaatake muli ng kanyang sakit sa pag-iisip.

Habang umaatake ang sakit ay nawalan umano ng kontrol sa sarili ang biktima at pinagtangkaan umano nitong patayin ang kanyang amang si Salvador.

Bunsod nito, dumampot naman ng martilyo si Salvador at pinaghahataw sa ulo at braso ang anak na agad nitong ikinamatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with