^

Police Metro

Yulo kakausapin ni Pangulong Marcos sa pagpapabuti ng Philippine sports

Gemma Garcia - Pang-masa
Yulo kakausapin ni Pangulong Marcos sa pagpapabuti ng Philippine sports
Philippines' Carlos Edriel Yulo reacts after winning the artistic gymnastics men's floor exercise final during the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 3, 2024.
AFP/Paul Ellis

MANILA, Philippines — Nais kausapin ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. si Filipino gymnast at Olympics gold medalist na si Carlos Yulo kung ano ang mga kailangan para pagbutihin ang sports sector ng bansa upang marami pa ang mga Pinoy na mamayagpag sa mga katulad na kompetisyon.

Sa ambush interview kahapon, tinanong si Marcos kung plano ba ng Office of the President na magbigay ng hiwalay na monetary reward kay Yulo matapos na makakuha ng dalawang gintong medalya ng gymnast sa 2024 Summer Olympics sa Paris, France.

”Well, why not? Yeah, I don’t see why not. He deserves everything that anybody is willing to give him. Actually dahil may monetary reward na siya, kung saan saan nanggagaling, ang talagang… ‘pag ka nagkita kami, itatanong ko sa kanya ano ba ang maitutulong ng pamahalaan para mas dumami ang ating mga medalists sa Olympics?” ani Marcos.

”Nadaanan niya lahat ‘yan. He went through the Tokyo Olympics, he has now won his two gold medals in the Paris Olympics kaya’t kung ano pa ang aming gagawin because alam naman natin itong mga atleta, hindi lang ang sarili ang iniisip kung hindi pagandahin pa at mas maganda pa ang performance doon sa sports nila at sa buong sports ng Pilipinas,” paliwanag pa niya.

Aniya, ang personal niyang interes ay magkaroon pa ng mas maraming Filipino na magtatagumpay sa larangan ng sports.

vuukle comment

CARLOS YULO

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with