DepEd pinaalala ang ‘no collection policy’ sa mga paaralan
MANILA, Philippines — Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ang pag-iral ng “no collection policy”.
Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, maaaring makulong o magmulta ang mapapatunayang lalabag sa Republic Act No. 4206
Sa ilalim ng DEPED MEMORANDUM NO. 41, SERIES OF 2024, bawal ang pagbebenta ng ticket at kahit anong koleksyon sa mga classroom hanggang sa tanggapan ng eskwelahan
Sakop nito ang pribado at pampublikong paaralan hanggang sa Senior high school boluntaryo man o hindi
Gayunman hindi nito sakop ang donasyon mula sa Philippine Red cross, Boy at Girls Scout, mula sa institution at komunidad.
- Latest