^

Police Metro

Professional fees ng mga doktor, pinasasagot na sa PCSO

Joy Cantos - Pang-masa
Professional fees ng mga doktor, pinasasagot na sa PCSO
Ayon kay Cong. Co,“usually sagot na ng medical assistance for indigent patient o MAIP ang bayad sa ospital at ‘yung assistance for individuals in crisis situation o AICS ng DSWD”.
AFP / File

MANILA, Philippines — Nais nina House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chairman Zaldy Co, at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo upang wala nang ilabas na pera ang mga mahihirap na pasyente ay sagutin na lang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga professional fee ng doktor.

Ayon kay Cong. Co,“usually sagot na ng medical assistance for indigent patient o MAIP ang bayad sa ospital at ‘yung assistance for individuals in crisis situation o AICS ng DSWD”.

“Pero ang kadalasang problema ng mga pasyente ay ang pambayad sa mga doctor na hindi naman tumatanggap ng MAIP o AICS”, dagdag pa ni Co.

Ayon pa sa representante ng AKO Bicol Partylist, tanging ang guarantee letter (GL) lang daw ng PCSO ang tinatanggap ng karamihan sa mga health professional bilang bayad sa kanila.

Para naman kay Cong. Tulfo, malaking ginhawa ito sa mga pasyente na kadalasan ay hindi kaagad nakakalabas ng ospital dahil walang pambayad ng professional fee kahit sa mga government hospital pa.

Pabor naman dito si PCSO General Manager Mel Robles.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with