Mag-asawang suspek sa pagpatay sa mag-inang balikbayan, arestado
MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang isang mag-asawa na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalagang Japanese citizen at sa Pinay na nanay na ibinaon sa gilid ng bahay sa isang subdivision sa Tayabas City, Quezon noong Pebrero 21, 2024.
Sa report ng Quezon PNP, ang inaresto ay ang nakatatandang kapatid ng biktimang Pinay na si Lorry Litada na si Ligaya Olivia Pajulas at mister nito na si Charlie Pajulas.
Ang mag-asawang suspek ang nakatira sa bahay na tinuluyan ng mag-inang balikbayan nang dumating sila sa bansa mula sa Japan noong Pebrero 20, isang araw bago nawala ang mga biktima.
Inaresto ang dalawa sa kanilang tinutuluyan sa Sunrise Village Brgy. Baguio, Tayabas City, matapos na lumabas ang warrant of arrest ng mga ito para sa kasong double murder noong Lunes mula sa Regional Trial Court Branch 168 ng Lucena City.
Walang piyansang inilaan ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga ito.
Magugunita na ang mag-inang Mai Motegi, 26, at Lorry, 54, ay napaulat na nawawala noong February 20, subalit nadiskubre sa pagsisiyasat ng mga otoridadad na pinaslang at ibinaon, 21 metro lamang ang layo mula sa bahay na kanilang tinuluyan sa Bella Vita Subdivision, Brgy. Isabang, Tayabas City.
Naging person of interest ang mag-asawa at nagtago pa sa kanilang hometown sa Pioduran, Albay ang babae subalit sumuko rin sa mga otoridad kinalaunan.
Lumabas sa imbestigasyon na perang dala sa pag-uwi ng mga biktima ang naging ugat ng krimen.
- Latest