DJ/rapper niratrat sa harap ng misis, utas
MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang isang kilalang disc jockey at rapper nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa naganap ambush, kamakalawa ng gabi sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang nasawing biktima na si Tony Joe Labong Coquia, 33, alyas MC at DJ Sultan Toj, ng Barangay Libsong West, Lingayen, Pangasinan.
Tugis naman ng pulis ang isang nagngangalang Billy Esguerra at isa pa na umano’y suspek sa pamamaslang.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis, magkakilala ang biktima at mga suspek at nagkita sa Barangay Baybay Lopez, Martes ng gabi upang pag-usapan at ayusin umano ang isyu sa “fraternal affiliation”.
Matapos ang pakikipag-usap sumakay ng kanyang kotse ang biktima na sinundan naman ng mga suspek.
Dito na binuksan ng suspek ang pintuan ng passenger seat at binaril ang biktima sa harap ng kanyang misis na si Jessica at kaibigan na si Terrence Don Buenaventura Gallardo, 24.
- Latest