^

Police Metro

Babaeng Vietnamese nasagip; 3 Chinese dinakip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng Vietnamese na nasagip sa rescue operation at naaresto ang tatlong Chinese national sa isang residential resort sa Barangay Tambo, Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nailigtas si alyas “Lang”, 23, turistang Vietna­mese, nanunuluyan sa Shore Tower Residence, sa Pasay City, na natangayan ng milyun-milyong halaga ng pera, mga alahas at mga cellphone ng mga suspek na pawang Chinese national na kinilalang sina alyas “Jun”, 31; alyas “Hao”, 27; at alyas “Zhang”, 26, pawang private employee at nanunuluyan sa magkakahiwalay na condominium sa Parañaque at Makati City.

Nangyari ang krimen sa loob ng unit No. 114, Phase 1 Unit I. Bayshore Residence, Resort 2, Barangay Tambo, Paranaque City, alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas 8:10 ng gabi ng Agosto 6, 2024.

Nag-ugat ang operasyon nang magreport ang security personnel ng residential resort sa Tambo Police Substation na may kidnapping umanong nangyari.

Mabilis na tinungo ng mga operatiba, sa tulong ng security personnel ang nasabing unit at nadatnan ang biktima at mga suspek na walang maipakitang passport kaya sila inaresto at nai-rescue ang biktima.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with