^

Police Metro

Panloloko ng CPP-NPA-NDF, isiniwalat ng dating UP stude

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang alumna ng University of the Philippines-Diliman ang naglahad ng kanyang karanasan at kung paano manloko ng mga estudyante ang CPP-NPA-NDF sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald dela Rosa.

Sa pahayag ni Kate Raca, graduate ng Bache­lor of Science in Secon­dary Education Major in English sa nabanggit na unibersidad, ikinuwento nito ang sistema kung paano nakakapangloko ng mga mag-aaral ang CPP-NPA-NDF na gamit ang mga guro at mag-aaral na nauna na nang naloko ng CPP-NPA-NDF.

Aniya, 16-anyos siya nang  hikayatin  maging militante ng kanyang mga naging guro at kamag-aral. Nang makagraduate noong 2019, naisama na siyang mamundok sa Mindoro upang isali sa Lucio de Guzman Command ng NPA.

Sinabi ni Raca na lusaw at basag na ang NPA unit na ito at ma­ngilan-ngilan na lamang ang natitira sa panahon ngayon na patago-tago pa rin sa mga kabundukan.

Nakawala at napasuko noon ding taon ng 2019 matapos ang matinding bakbakan sa pagitan ng NPA unit at mga sundalong Marine sa Palawan.

Isa sa kanyang comrade, na si Rona Jane Manalo, na galing naman sa UP Los Baños ang napatay sa sagupaang iyon.

Ang kanyang recruiter at trainer na si Kevin Castro, na miyembro ng College of Education Student Council ay napatay din sa enkwentro naman noong 2018 sa Quezon.

Binigyan diin naman ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) National Secretariat Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr., si Raca ay isang ehemplo ng matalinong estud­yante, dahil napagtanto nito na ang terorismo ay ‘di makatao at katanggap-tanggap sa isang demokratikong lipunan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with