^

Police Metro

Umbagerong mister, tinodas ng misis

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Umbagerong mister, tinodas ng misis
Batay naman sa kuha ng CCTV dumating ang biktima sa bahay at nagkaroon ng  mainitang pagtatalo sa suspek at nakita na kumuha ng kutsilyo ang huli at sinaksak ang una sa dibdib malapit sa puso.
STAR / File

Pananakit ‘di na kinaya

MANILA, Philippines — Hindi na nakayanan ng isang misis ang laging pananakit ng lover kaya’t lumaban na ito at inatado niya ng saksak nitong Sabado ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa FEU General Hospital ay kinilalang si John Louis Solomon, 22, bodegero, residente ng No. 234 Maya St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspect na si Krizel Baterna Concepcion, 22 ng nabanggit ding tirahan,

Sa salaysay ng kapatid ng suspek na si alyas Angel, alas-8:00 ng gabi habang siya ay nasa banyo ay narinig niya ang kapatid at ang biktima na nag-aaway.

Nang kanyang puntahan ay nakita niya ang biktima na naliligo na sa dugo habang umiiyak ang kapatid at humihingi ng tawad.

Batay naman sa kuha ng CCTV dumating ang biktima sa bahay at nagkaroon ng  mainitang pagtatalo sa suspek at nakita na kumuha ng kutsilyo ang huli at sinaksak ang una sa dibdib malapit sa puso.

Humingi ng tulong ang suspek sa kapatid at dinala sa ospital ang biktima na idineklarang dead-on-arrival.

Ayon sa suspek na nagdilim na umano ang kanyang paningin dahil sa hindi na niya  matiis ang lagi umanong pananakit ng biktima sa tuwing sila ay  mag-aaway.

Kaya nang magkaroon sila ng pagtatalo ay inunahan na niya saksakin ang biktima na kanyang nakasama ng 6-taon.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with