Sunog sa Maynila: 110 pamilya nawalan ng bahay
MANILA, Philippines — Nasa 110 pamilya ang nawalan ng tahanan at dalawang fire volunteer ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila kahapon.
Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:25 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng isang 3-storey house na matatagpuan sa Matimyas St., Sampaloc.
Ang tahanan na gawa lamang sa light materials, ay pagma-may-ari umano ng isang Ruben Ologenio at inuokupa naman ng mag-asawang Felisa at Ricardo Payumo at isang Angelito Obemio.
Umabot ng ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa tinatayang nasa 50-tahanan bago naideklarang under control, alas-11:37 ng umaga at tuluyang naapula ala-1:05 ng hapon. Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.
- Latest