^

Police Metro

P.5 bilyong gastos ng gobyerno sa security ni VP Sara

Doris Franche-Borja - Pang-masa
P.5 bilyong gastos ng gobyerno sa security ni VP Sara
Vice President Sara Duterte is about to deliver her turnover speech at the Department of Education Central Office.
Facebook/Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Gumastos umano ang gobyerno ng “nakakagimbal” na higit sa P500 mil­yon para sa 433 security detail ni Bise Presidente Sara Duterte.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon na anya ay mala­king panghihinayang na magamit sa garbo ang pondo na sana’y magagamit para pakainin ang nagugutom at tulungan ang mahihirap.

Lumilitaw na tumatanggap ng P50,000 kada buwan ang 433 security ni VP Sara sa loob ng   dalawang taon, na nangangahulugan ng higit sa P20 milyon kada buwan, at sa loob ng 24 buwan, ito ay umaabot sa nakakagimbal na P480 milyon.

Dagdag pa niya, may mga datos na madaling hanapin online na nagpapakita na ang Office of the Vice President (OVP) ay gumastos ng P55 mil­yon mula 2022 hanggang 2024 para sa special duty allowances ng mga military at uniformed personnel.

Para sa mga taong 2019-2021 o sa panahon ng termino ng nakaraang Bise Presidente, ang OVP ay gumastos lamang ng nakatakdang P5.7 milyon kada taon para sa special duty allowances.

Punto ni Gadon, ang halagang ito ay malayo sa P25 milyong alokasyon ni Duterte para sa parehong mga allowance hanggang sa taong ito.

Nanawagan si Gadon para sa mas mataas na antas ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng gob­yerno at hinimok niya ang mga mambabatas at ang publiko na siyasatin ang badyet ng OVP.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with