Obiena nananatiling optimistiko
MANILA, Philippines — Kumpiyansa pa rin si EJ Obiena sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap nito.
Ilang araw bago magsimula ang Paris Olympics, inilabas ni Obiena ang kasalukuyang estado nito partikular na ang kanyang pisikal na kalagayan.
Aminado si Obiena na marami itong pinagdaanan sa mga nakalipas na buwan.
Ngunit hindi ito magi-ging hadlang upang mawalan ito ng pag-asa.
“If you had asked me a year ago how I would envision the “perfect” Olympic preparation, well it certainly wouldn’t be what has transpired! It has been what can only be termed a bumpy road for me this season. Despite my best efforts at conditioning, fitness and discipline, I have been battling with various physical problems since April,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.
Huling nasilayan sa aksyon si Obiena noong Hulyo 7 sa Wanda Diamond League - Meeting De Paris sa France.
“I know and fully understand this can happen to athletes training at such intensity and no complaints…but why now!?!? This has meant constant stops and stitching training and competition together with my team as well as we could,” dagdag ni Obiena.
Handa si Obiena na ibuhos ang lahat ng makakaya nito upang maisakatuparan ang inaasam na tagumpay.
Paborito si Obiena na makapasok sa Top 3 kung saan inaasahang makasusungkit pa ito ng pilak na medalya sa likod ni world champion Mondo Duplantis ng Sweden.
“I know these things happen. All athletes at an Olympic level deal with such adversities. I know not everything is in my control. I am an optimist by-nature. Can I perform at the highest level? YES, I BELIEVE I CAN,” ani Obiena.
- Latest