^

Police Metro

Treehouse bumigay: 8 tinedyer sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walong tinedyer ang nasugatan makaraang bumigay at mawasak ang isang treehouse sa nauwi sa trahedyang masayang camping sa Brgy. Lambac, Pagsanjan, Laguna nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Laguna Police, ang mga biktima ay nagkaka-edad ng 12 hanggang 18.

Base sa imbestigasyon, inokupa ng mga biktima ang nasabing treehouse pero ilang minuto pa habang nagkakatuwaan sa itaas ng treehouse ay bigla na itong bumagsak.

Ang naturang grupo ng magkakaibigan ay nagkatuwaang mag-camping sa nasabing lugar.

Bunga nito, lumagapak sa lupa ang nasabing treehouse na ikinasugat ng mga biktima kung saan ilan sa kanila ay nabalian pa ng buto sa insidente.

Agad na isinugod sa Laguna Medical Center ang mga biktima para malapatan ng pangunahing lunas.

Sa teorya ng mga awtoridad posibleng rumupok na ang nasabing tree house at dahilan sa bigat ng walong biktima na umokupa rito ay tuluyan itong bumagsak.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with