^

Police Metro

AFP pipigilan ang agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pang-masa
AFP pipigilan ang agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea
A China Coast Guard ship (R) sailing past a Philippine fishing boat with volunteers from the civilian-led mission Atin Ito (This Is Ours) Coalition on board, in the disputed South China Sea on May 16, 2024. A Philippine boat convoy bearing supplies for Filipino fishers said they were headed back to port May 16, ditching plans to sail to a Beijing-held reef off the Southeast Asian country after one of their boats was "constantly shadowed" by a Chinese vessel.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kasunod ng mga ulat na binangga ng Chinese Coast Guard (CCG) ang resupply mission ship ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ay nakatakdang pigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anumang mapanga­nib, agresibo at walang ingat na aksiyon ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) .

Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na isang sundalong Pinoy na miyembro ng Philippine Navy Special Operations Group (NAVSOG) ang naputulan ng daliri sa insidente habang sugatan din ang mga kasamahan nito.

Ang mga Chinese ay sumampa pa umano sa isa sa mga vessels na nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RORE) mission sa Ayungin Shoal kung saan kumalat sa mga ulat na kinumpiska pa ang baril ng mga sundalo sa nangyaring insidente noong Lunes.

Gayunman, ang bagay na ito ay hindi pa kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ng Department of National Defense (DND).

Binigyang diin pa ng Kalihim na malinaw na marahil sa international community na ang agresibong aksiyon ng China ang tunay na hadlang sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Sa pahayag naman ng China, sinabi ng Spokesman nito na si Gan Yu na sumakay, ininspeksiyon at itinaboy ng Chinese Coast Guard sa Philippine vessels dahilan illegal umano ang mga itong pumasok sa Ren’ai Reef sa South China Sea.

Iginiit ni Yu na dahilan sa mapanganib na pagpasok sa lugar ay bumangga ang Philippine supply ship sa Chinese vessel at kasalanan umano ito ng Pilipinas.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with