^

Police Metro

Ex-police official arestado sa illegal drugs

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang nasibak na opisyal ng Philippine National Police sa isinagawang buy-bust operation sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ibon”, kabilang sa high value individual (HVI) at dismissed na Police Commissioned Officer (PCO) na sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw nang madakip ang suspek sa Saging St., corner Strawberry St., Barangay CAA, Las Piñas City sa buy-bust operation.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ang pitong plastic sachet na naglalaman ng nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, isang Nissan X-trail na puti at may plakang ZRU 718, isang Redmi 6 cellphone, isang Colt 45 pistol na may 4 na bala, at buy-bust money.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with