^

Police Metro

5 Chinese, 1 Pinoy arestado sa pamamaril

Ludy Bermudo - Pang-masa

4 pa tinutugis

MANILA, Philippines — Limang Chinese national at isang Pinoy ang inaresto kaugnay sa pamamaril sa dalawang Chinese national na nabigo umanong magbayad ng utang sa loob ng residential building sa Roxas Boulevard, Barangay Tambo, Para­ñaque City.

Kinilala ang anim na suspek na sina alias Peng; at alias Deng, Chinese nationals na nakatira sa kata­bing gusali; alias Cheng, alias Liu, at alias Tu, Chinese nationals na nakatira sa kabilang tower sa loob mismo ng kaparehong complex; at alias Ken, ang Filipino driver/bodyguard na residente ng Barangay San Isidro.

Patuloy ang hot-pursuit operations upang madakip ang natitirang at-large suspects na sina alias Yu, at alias Bo; alias Marlon, at alias Tony, driver na kapwa Pinoy.

Ayon kay Southern Police District (SPD) P/Brig. General Victor Rosete, ang magkapatid na biktima na Chinese nationals na tinawag na alyas Li, residente ng isang condominium tower sa Roxas Boulevard, Para­ñaque City ay ginaga­mot pa sa ‘di tinukoy na ospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan.

Naganap ang insidente alas-12:10 ng madaling araw ng Hun­yo 15, 2024 sa loob ng nasabing condominium, na matatagpuan sa R. Blvd., Barangay Tambo, Parañaque City.

Ipinaalam ng mga residente ng gusali, mga tauhan ng housekee­ping ng condo, security guard at isang vendor ang insidente na agad na nires­pondehan ng Para­ñaque Police Tambo Substation kasama ang mga barangay tanod at dinatnang duguan ang mga biktima na isinugod sa pagamutan.

Sina alyas Peng at Deng ay nadakip sa kalapit na gusali sa bahagi ng Pasay City, habang naaresto naman si alyas Cheng sa Clark, Pampanga.

Sa pag-aresto sa mga suspek, nakakuha ng firearms at ammunition kabilang ang .22 Magnum Revolver at 9mm pistol na may live ammunition.

Sa imbestigasyon ay natukoy si alias Bo na mastermind sa pamamaril dati nang nadakip ng CIDG-SPD noong December 2022 para sa ibang criminal activities.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with