^

Police Metro

Teves naka-house arrest sa Timor Leste - DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Justice (DOJ) na naka-house arrest ngayon sa Timor Leste ang wanted at sinibak na si dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves, Jr..

“We learned from Timor Leste Prosecutor General that former Cong. Teves is now on house arrest,” pahayag ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez.

Sinabi ni Vasquez na maituturing pa ring deprived of liberty si Teves at bantay-sarado pa rin ng mga pulis kahit siya ay naka-house arrest.

Nagpapatuloy din aniya ang pagdinig para sa extradition ni Teves para tuluyan na siyang makauwi sa bansa at mapanagutan ang mga kinakaharap na kaso.

Ayon pa sa DOJ, isang kamag-anak lamang ang papayagang makabisita kay Teves habang siya ay naka-house arrest.

Tiniyak din ng kagawaran ang mahigpit na kontrol at pagbabantay sa sitwasyon para masigurong tama at angkop ang mga prosesong pinagdadaanan ni Teves.

Si Teves ay pinatalsik sa Kamara noong Agosto 2023 dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa kaniyang mga tungkulin matapos ang alegasyong siya ang utak sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 5 iba pa noong Marso 2023.

vuukle comment

ARNULFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with