^

Police Metro

2 suspek sa pagpatay at panghahalay sa grade 6 student, naaresto

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto na ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae na natagpuang naaagnas na sa General Trias City, Cavite.

Ang biktima ay isang grade 6 student na residente ng Brgy. Sta Clara, Gen. Trias City, Cavite.

Naaresto sa isinagawang follow-up operation ang mga suspek na sina Chester Jay Bobadilla y Florendo, construction worker,residente ng nasabing lugar, at Alexander Bagalacsa y Sanosa, 35, binata, drayber ng Sitio Aligalang, Brgy. Navarro ng naturang lungsod.

Si Chester ay naaresto, alas-12:20 ng madaling araw kahapon sa Brgy. Sta. Clara, habang si Alexander ay naaresto, alas-7:00 ng umaga, sa Brgy. Na­varro ng nasabing lugar.

Itinanggi naman ng mga naarestong suspek ang nasabing krimen.

Matatandaan na natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktimang si Rheamae Betonio Moreño, sa masukal na lugar ng Brgy. Sta Clara, alas-11:00 ng umaga kamakalawa matapos na hindi nakauwi ng dalawang araw.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with