^

Police Metro

Tanker truck sumalpok sa bus: 2 utas

Jorge Hallare, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng isang tanker truck habang namatay sa pagamutan ang isang pasahero ng Philtranco Bus matapos magbanggaan sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Flordeliz, Milaor, Camarines Sur, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing driver ng tanker truck na si Reynaldo Gobres, 58, residente ng Batangas. Habang inaalam pa ang pagkakakinlanlan ng babaeng pasahero ng bus.

Sa ulat, alas-3:20 ng madaling araw ay binabagtas ng tanker truck (NBO-9502) na minamaneho ni Gobres ang kahabaan ng highway nang ito ay mawalan ng kontrol sa manibela at napunta sa kabilang linya na siya namang pagdating ng Philtranco Bus na may body number 1926 na minamaneho ni Efren Tanawan.

Kaya’t nabangga ang kanang bahagi ng bus na kung saan nasawi ang nakaupong babaeng pasahero at nadurog ang unahan ng tanker truck na agad ikinasawi ni Gobres habang nakaligtas ang kanyang anak at pahinante na si Mark Anthony.

Ayon kay Mark Anthony na papunta silang Ligao City, Albay para magdeliber ng alcohol nang mapansin niya ang ama na inaantok kaya’t sinabihang tumigil muna at matulog sandali.

Gayunman, dahil papunta pa sila sa Isabela at naghahabol ng oras ay itinuloy ng ama ang pagmamaneho hanggang naidlip at nawalan ng kontrol dahilan para bumangga sa kasalubong na Philtranco Bus.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with