^

Police Metro

Maximum tolerance ang ipinatupad ng PNP sa pagsilbi ng arrest warrant kay Quiboloy - DILG

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Maximum tolerance ang ipinatupad ng PNP sa pagsilbi ng arrest warrant kay Quiboloy - DILG
Apollo Quiboloy, head of "the Kingdom of Jesus Christ," a non-Catholic religious group and spiritual adviser of president-elect Rodrigo Duterte, speaks during a press conference in Davao City in southern island of Mindanao on May 23, 2016.
AFP / Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Dinepensahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang umano’y “overkill” ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisilbi nito ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Sa panayam sa kalihim sa pagdalo nito sa Independence Day Celebration sa Caloocan ay sinabi ni Secretary Abalos na maximum tolerance ang ipinatupad ng pulisya.

Ginawa lamang din aniya ng PNP ang tungkulin nito na hanapin si Quiboloy na isang wanted at may kinahaharap na patong patong na kaso sa korte.

Ayon pa sa kalihim, dahil sa mga dating pahayag ni Quiboloy na hindi ito magpapahuli ng buhay kaya naghanda ang hanay ng pulisya sa posibleng banta sa kanilang seguridad.

Wala naman aniyang nasaktan sa nangyari at katunayan, mga pulis pa ang nabiktima ng water cannon ng grupo ni Quiboloy.

Muling nanawagan ang kalihim kay Quiboloy na sumuko na at patuna­yang siya ay inosente laban sa mga kaso.

Nangako rin ito na hindi hihinto ang PNP hanggang sa matunton ang kinaroroonan ni Quiboloy.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with