^

Police Metro

Pangulong Marcos dumating na sa Brunei

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumating na si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei kahapon ng umaga para sa dalawang araw na state visit.

Eksaktong alas-10:01 ng umaga nang lumapag si Marcos at ang buong delegasyon ng Pilipinas sa Bandar Seri Begawan International Airport.

Sa kaniyang pagda­ting, sisimulan ng Pangulo ang kaniyang state visit at makikipagkita kay Sultan Hassanal Bolkiah sa Istana Nurul Iman.

Sa hapon, makikipagkita siya sa Filipino community bago dumalo sa state banquet.

Makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga top members ng business sector para hikayatin na magnegosyo sa Pilipinas.

Itataguyod din ni Pa­ngulong Marcos ang  trade at investment relations ng Brunei at Pilipinas.

Ang Brunie at Pilipinas ay parehong miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with