^

Police Metro

‘Dangerous heat index’ posibleng maitala sa 16 lugar ngayong araw - PAGASA

Doris Franche-Borja - Pang-masa
�Dangerous heat index� posibleng maitala sa 16 lugar ngayong araw - PAGASA
Commuters endure the heat as they wait for rides along United Nations Avenue in Manila on April 17, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Posibleng maitala sa labing-anim na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o damang init ngayong araw.

Base sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz habang 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan ma­ging sa Guiuan, Eastern Samar.

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar, habang 42°C sa Metro Manila; Bacnotan, La Union; ­Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Ta­nauan Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.

Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

Kaya’t mas marami pang tubig ang inumin araw araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with