^

Police Metro

Marcos bumisita sa Basilan, pagsira sa loose firearms sinaksihan

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos bumisita sa Basilan, pagsira sa loose firearms sinaksihan
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Bangsamoro Autonomous Region officials ang pagsira sa mahigit 500 loose firearms sa ginanap na Panabangan Si Kasanyangan (Peace Offering Ceremony) sa Sumisip, Basilan kahapon
KJ Rosales/PPA Pool

MANILA, Philippines — Nagtungo sa Basilan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at personal nitong sinaksihan ang pagsira sa mga matataas na uri ng armas na isinuko sa pamahalaan ng iba’t ibang makaliwang grupo mula sa Barangay Mahalatang, bayan ng Sumisip.

Tinatayang nasa 550 na mga baril ang isinuko kung san 311 dito ang high powered at 239 ang low powered firearms.

Ang mga nasabing armas ay dinaanan ng pison sa Kasanyangan Monument na isang Yakan vernacular na sumisimbolo ng kapayapaan.

Ang nasabing lugar ay dating main camp o kuta ng extremist na Abu Sayyaf group.

Plano naman ng lokal na pamahalaan ng Sumisip, Basilan na gawing tourist attraction ang lugar lalo pa at naging simbolo na ito ng pag-asa at kapayapaan.

Magugunita na Oktubre 2023 nang ilunsad ng gobyerno ang Small and Lights Weapons Management Program na humihikayat sa makakaliwang grupo at extremists na isuko ang kanilang mga armas at magbalik loob sa pamahalaan.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with