FB page ng PCG narekober, 3 hacker tukoy na
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na narekober na nila ang kanilang Facebook page na unang na-hacked noong Lunes.
Ayon sa PCG, dakong alas-5:45 ng madaling araw nang magkaroon ng full access ang kanilang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) sa kanilang FB official page.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay makipagtulungan sa PCG sa pagsasagawa ng backend operations na nagresulta sa pagkakadiskubre at pag-alis ng tatlong hackers na may Facebook names na Fatima Hasan, Murat Kansu at Vicky Bates.
Kinumpirma ng CICC na gumamit ang mga hacker ng malware para labagin ang seguridad ng Facebook page noong 26 Pebrero 2024.
Sinabi ni Balilo na magsasagawa ang CICC bukas ng comprehensive hardware check sa lahat ng office laptops at computers ng CGPAS personnel na ginagamit sa pag-access ng kanilang opisyal na social media platforms upang maalis ang natitira pang bakas ng malware, kung meron, at palakasin ang kanilang overall cybersecurity laban sa potential breaches.
- Latest