^

Police Metro

Solon nagbigay ng P10 milyon pabuya sa mga pulis na nakapatay sa lider ng Concepcion criminal group

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sampung milyong piso ang ipinagkaloob ni AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Philippine National Police (PNP) matapos ang matagumpay na pagkakalansag sa notoryus na Concepcion criminal group sa Bicol Region.

Sinabi ni Co, chairman ng House Committee on Appropriations Committee, ang lider ng Concepcion gang ay isa sa most wanted na kriminal na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa Bicol Region at iba pang bahagi ng bansa sa mahabang panahon.

Si Gilbert Saysay Concepcion, kilala rin bilang si Bert at Pogi ay lider ng lawless organization at Laeco Josie Quite Saysay alyas Lay, miyembro ng grupo ay napaslang sa engkuwentro sa mga elemento ng pulisya noong Enero 24 sa Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City.

Ang Concepcion Crimi­nal group ay sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidades kabilang ang assassinations, extortion at illegal arms trade.

Sinabi ni Co na ang pagkakalansag sa orga­nisadong grupong kriminal ng PNP ay patunay lamang ng pagpupursige ng mga PNP personnel na mapanatili ang peace and order.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with