^

Police Metro

Sunog sa Cebu: Mag-asawa, 2 anak patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang mag-asawa at dalawa nilang anak sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Barangay Tinago, Cebu City.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina Parolito Otadoy, misis na si  Rosita at mga anak na sina Joseph at Jeffrey, na kapwa tinedyer na natagpuan sila na sunog na sunog sa loob ng kanilang bahay Sitio Sta. Lucia, Barangay Tinago, Cebu City.

Nasugatan naman  sina Shan Ruelan, 21; Rose Ann Otadoy, 33; Jemboy Otadoy, 36 at Emmarie Otadoy, 36, na nagtamo ng mga sugat at sunog sa katawan.

Sa ulat ni Fire Office 3 Fubert Navarro ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang kabahayan, ala-1:00 ng mada­ling araw at mabilis na kumalat ito sa katabing bahay.

Umabot sa ika-apat na alarma ang  sunog na tumagal ng apat na oras at tumupok sa  16 na kabahayan at alas-5:00 ng  madaling araw nang  ideklarang fireout ang sunog.

Sa mopping operation ay  tumambad sa mga bumbero ang apat na miyembro ng pamilya na halos hindi na makilala sa pagkatupok ng kanilang mukha at katawan.

Umaabot naman sa mahigit P7 mil­yon ang halaga ng pinsala ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with