^

Police Metro

Korte Suprema, pinagtibay ang hatol sa isang babaeng sangkot sa child pornography

Mer Layson - Pang-masa
Korte Suprema, pinagtibay ang hatol sa isang babaeng sangkot sa child pornography
Bukod sa P2 milyong multa, inatasan din ng mataas na hukuman si Lui­sa Pineda na magbayad ng P300,000 sa biktima bilang civil dama­ges.
Image by Ulrike Mai from Pixabay

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman sa desisyong inilabas ni Associate Justice Mario Lopez ang mga naunang hatol ng mababang hukuman at Court of Appeals na habambuhay na pagkakabilanggo at P2 milyon ­multa ang parusang igi­nawad sa isang babae na sangkot sa child pornography kung saan ang biktima ay sarili niyang pamangkin noong 2016.

Bukod sa P2 milyong multa, inatasan din ng mataas na hukuman si Lui­sa Pineda na magbayad ng P300,000 sa biktima bilang civil dama­ges.

Nag-ugat ang kaso sa tip ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika na humantong sa pagsalakay ng ­Phili­p­­pine National Police (PNP) sa bahay ng akusado na si Pineda noong 2016 dahil sa child pornography.

Dito nakuha ang computer set at cellphone na nagtataglay ng mga hubo’t hubad na larawan at video ng anim na taong gulang na pamangkin na babae ng akusado.

Nailahad rin ng biktima ang dalawang pagkakataon kung saan inutusan siya ng tiyahin na hawakan ang maselang bahagi ng kanyang katawan habang nakaharap sa computer screen.

Nasagip din naman ang tatlo pang menorde-edad na pawang itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Hinatulan si Pineda ng paglabag sa kaukulang probisyon ng Anti Child Pornography Act of 2009 gayundin sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

vuukle comment

CHILD PORNOGRAPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with